Search Our Website and Blog:

Loading




Tuesday, June 5, 2018

PANALANGIN NG AWA AT SA MABATHALANG AWA

Shop WEI EAST Eyes Alive!

PANALANGIN NG AWA
"Noong pumanaw Ka, Jesuskristo ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang *Kaharian ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan, O Bukal ng Buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos Mong ganap ang Iyong sarili para sa aming lahat.
O Banal na Dugo at Tubig, na dumaloy mula sa Puso ni Jesuskristo at marami pang iba bilang Bukal ng Awa, para sa aming lahat, ako ay nananalig sa Iyo".
Panginoon ko, Ikaw ang aking Diyos at lahat-lahat sa akin. Aking Walang Hanggang Ama ng Awa, aming Panginoon at aming Diyos, Jesuskristo, mga grupo ng Maria/Mary, mga anak, mga lingkod at alagad, mga kawal na banal na santo at santa, mga  archangel, guardian angel, service angel, medic angel, seraphim, kerubin at nympha maawa po Kayo! Hari at Reyna ng Awa, aming Panginoon, aming Ama at Ina ako ay nananalig sa Iyo! Minamahal ko Kayo. Ang mga kaluluwa po sana ay iligtas Ninyo.
Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob. (3X)
Patawarin Mo ang lahat ng makasalanan, O Panginoon, alang-alang sa pag-ibig Mong walang hanggan, at sila'y akayin sa landas ng Iyong katarungan. Ilayo Mo sila sa buyo ng kasamaan. Tubusin Mo ang lahat ng nagkasala, at nawa ang Awa ng Diyos ay mapasakanila para sa ikapagpapatawad ng aming mga kasalanan at kasalanan ng buong sangkalawakan.
Alang-alang sa mga Tiniis na Hirap at Kamatayan nina Jesuskristo, mga grupo ng Maria/Mary, mga anak, mga lingkod at alagad, mga kawal na banal na santo at santa, mga  archangel, guardian angel, service angel, medic angel, seraphim, kerubin at nympha, kaawaan Mo po kami at ang buong sangkalawakan.
"O Jesuskristo kaisa ng mga Walang Hanggang Awa ng Diyos, aming Panginoon at aming Ama, mga grupo ng Maria/Mary, mga anak, mga lingkod at alagad, mga kawal na banal na santo at santa, mga  archangel, guardian angel, service angel, medic angel, seraphim, kerubin at nympha. Kami ay nananalig sa Inyo. AMEN.

SA MABATHALANG AWA
Ako ay lumalapit sa Iyong awa, Mahabaging Diyos na tanging Ikaw lamang ang mabuti. Kahit ang aking mga paghihirap ay malaki at ang aking pagkakasala ay marami, ako ay nagtitiwala sa Iyong awa sapagkat Ikaw ang Diyos ng Pagka-Awa at hindi narinig kailan pa man, o natatandaan man ng langit, tubig, lupa, apoy, espiritu o kaluluwa, hades o kamatayan, hukuman ng katarungan o tribunal of mercy at sa detainee sa purgatoryo na mayroon kaluluwang nagtitiwala sa Iyong awa na Iyong tinanggihan.
O Diyos ng Awa, aming Panginoon at aming Ama, Ikaw lamang ang makapagbibigay tuwid sa akin at hindi Mo ako tatanggihan kapag ako, nang may mataimtim na pagsisisi, ay lumapit sa Iyong Mahabaging Puso, kung saan wala pang tinanggihang sino man kahit na siya pa ang pinakamakasalanan. Pagkat ang Iyong Anak ay tiniyak sa akin. Sa lalong madaling panahon na mawala man ang langit, lupa, tubig at apoy ang Iyong Awa ay hindi makalilimot na yumakap sa isang nananalig na kaluluwa.

Jesuskristo, mga Grupo ng Maria/Mary, mga anak, kanilang asawa at ama, mga lingkod, alagad at kawal, mga archangel, guardian angel, service angel, seraphim, kerubin at nympha. Mga banal, santo at santa, Kaibigan ng mapanglaw na puso, ikaw ang aking pahingahan, Ikaw ang aking katahimikan sa panahon ng aking pakikipaghamok at sa gitna ng kalangitan, kalupaan, katubigan, apoy o inferno, espiritu o kaluluwa, hades o kamatayan, at hukuman ng katarungan o tribunal of mercy at detainee sa purgatoryo ng pag-aalinlangan. Ikaw ang napakaliwanag na sinag na Siyang nagbibigay tanglaw o liwanag sa landas ng aking buhay. Ikaw ang lahat sa isang mapanglaw na kaluluwa. Naiintindihan Mo ang aming kahinaan at, tulad sa isang magaling na manggagamot. Ikaw ay nagbibigay ng ginhawa at lunas, nag-aalis ng aming paghihirap --- Ikaw na Siyang bihasa sa bagay na ito. AMEN.


Black Mushroom Re-Lasticity by WEI EAST

No comments:

Post a Comment

Featured Post

Answer Prayer from the Devotions, Messages, Diary and Illustration of Saint Maria Eugenia Elisabetta Ravasio

TO THE LINE TOPIC SUBJECT AND ATTENTION OF: Padre Alberto Tomassi c/o Suore Missionarie “Unitas in Christo ad Patrem” Via del Cinema 16...