Ang katarungan ay iginawad ng
sangkaitaas - taasan ng kabanal - banalang nilikha mula sa Kalangitan,
Kalupaan, Kaliwanagan o Apoy, Katubigan, Kaluluwa o Holy Spirit, Hukuman ng
Katarungan o Tribunal of Mercy, Hades Kamatayan at Detainee sa Purgatoryo.
Sa panahon ng kadiliman, ano ang
halaga ng yaman.
Ano ang matatamo ng lupang pinagyaman.
Ang kanilang pinatabang tupa, baka at
pastulan kung ito ay masusunog sa alab ng apoy.
Anong halaga ng kanilang karawahe,
sandata, tabak, mga pana at lakas ng mandirigma, laban sa Kanyang laksang
nilalang.
Mga kababaihan mabuti pa ang hindi
magka-anak o ang magpainom ng gatas sa araw na iyon, sa kaguluhang iyong
madaratal ang panaghoy ng kanilang mga puso.
Mga hinagpis ng kanilang mga kaluluwa
tila pinagsakloban ng langit, lupa, tubig, apoy, kamatayan at hatol ng hukuman
ng katarungan.
Ito namang maawaing Diyos, aming Ama, aming
Panginoon nagpadala ng mensahe ng pag-asa mula sa angel, guardian angel,
archangel, seraphim, kerubin at nympha.
Kung sila ay magbabago at magsisisi ng
lubos.
Mga Israelita at Juda sa inyong lipi
Kanyang itinuro ang tipan ng Diyos na siyang may likha ng lahat ng nakikita at
hindi - nakikita, naririnig at hindi - naririnig, mararamdaman at hindi
mararamdaman.
Sa banal na lugar na iyon, sa Kanya ay
walang sinumang makapagmamalaki.
Ganoon sa alabok ang iyong mga
sangkap.
Sa tubig ika'y inihugis ng Kanyang
kawangis.
Sa bigay Niyang hangin, ika'y
nagkabuhay.
Sa Espiritu Santo ika'y nakiisa sa
Akin.
At sa Apoy ika'y dumalisay at nalinis
ang iyong isip, puso at kaluluwa.
Sa lugar na Iyong itinalaga na kung
saan ang mga banal, santo at santa, mga angel, guardian angel at mga archangel,
seraphim, kerubin, nympha at marami pang iba ay nagkakatipon.
Sa dakong lugar na iyon, ang muog,
sahig, pader, mga haligi, mga kagamitan, at maging tubig na dumadaloy ay
nagsipagbanal.
Aming Ama ng Awa, aming Diyos at aming
Panginoon na may gawa ng langit, lupa, tubig, apoy at marami pang iba.
Tulungan ninyo kami at aming mga lipi.
Ang iyong kalooban, sa amin nawa'y
mahabag.
Sa aming mga kasalanan at ng aming mga
ninuno nawa'y inyong patawarin.
Ipahayag nawa Ninyo, kung ano ang
aming nararapat gawin.
Alam o Batid namin ang kalabisang
ginawa namin.
Ilayo po Ninyo kami sa apoy ng alab,
sa walang hanggang kaparusahan.
Pinangunahan namin ang Iyong kalooban,
na naging dahilan ng Inyong kagalitan.
Benaliwala namin ang Iyong pahayag ng
kaligtasan, bagkus nagmatigas ang aming mga puso.
At kinalaban ang Inyong maawaing puso na handang magpatawad.
Tulungan ninyong matanaw ang hiwaga ng
Inyong Awa at Pag-ibig sa Inyong nilalang.
Ilingon ninyo ang Iyong maawaing kalooban sa aba mong
lingkod.
Binigyan mo kami ng karunungan, subalit
ginamit namin sa kalabisan at kasamaan.
Tulungan Mo po kami na maituwid ang
aming landasin, na kami rin ang may kasalanan.
Sapat ba ang magpagal at dagukan ang aming kalooban.
Ano po ba ang aming pambayad kasalanan
sa mga nasirang buhay dahil sa aming katampalasanan
Sa mga walang malay na nadamay dahil
sa aming kasakiman.
Sa mga bagay na hindi dapat naming pagnasahan, sa kataksilan
na naging pahirap sa aming kapwa.
Sa aming pagkamakasarili, na naghatid
sa aming kapwa sa apoy ng kaparusahang walang katapusan.
Sa aming gawaing haliparot na naghatid sa amin sa
katampalasanan at karamdaman.
Patawarin mo kami na Inyong mga abang
tauhan, lingkod at nilalang.
Turuan Mo po kaming manikluhod sa
Iyong bukal ng Awa, bilang pagpapakababa ng aming mga puso.
Ang aming karumihan na walang sino man
ang makakapaglinis kundi Kayo lang Panginoon, aming Ama, aming Diyos na aming
Tagapagligtas.
Aming Walang Hanggang Ama ng Awa na naglalang ng lahat na nasa sangkalawakan /
sansinukod.
Kaming Iyong lingkod at liping hinirang,
na nabulid ng Emperador.
Sa kapulungan ng kataksilan kami ay
nalikluhod.
Itong aming mga pinuno kaydaling
nalinlang ni Kasamaan at nina Reyna Haliparot.
Nilimot namin ang Iyong tapat na tipan
sa Iyong nilikha.
Kaya kami ay Iyong tinanong, Tunay ba ang iyong Diyos?
Tulungan Mo po kami at turuan na makapasa sa mga ibinibigay
ninyong mga pagsusulit at pagpapalinis, pagpapadalisay ng isip, puso at
kaluluwa.
Turuan Mo po kami, halintulad ng ginawa ng aming mga ninuno
na sina adan, abraham, isaac, jacob, samuel, noah, daniel, labing - isang lipi
ng israel, juda, moises, elias, eliseo, mga lingkod, tauhan at alagad, mga hari
at reyna, mga propeta, mga apostol, mga hukom, at mga nagsipagbanal.
Nawa'y sa pamamagitan nito, ay makamtan namin ang lubos mong
pagpapatawad at muling ibilang isa sa mga iyong Anak at Kaibigan kung hindi man
kaisa bilang mga tauhan, lingkod at kawal na mga angel, guardian angel, mga
archangel, seraphim, kerubin at nympha na Iyong kaharian at pamayanan laban sa
mga alagad at kaharian nina Kasamaan at Reyna Haliparot.
Tulungan Mo po kaming lahat na magkaisa. Iligtas Mo po ang
aming mga kaluluwa. Matupad nawa sa amin ang Inyong tipan at pangako sa aming
mga lipi.
Purihin ang Panginoon, aming Ama at aming Diyos ng Awa ngayon
at magpasawalang - hanggan. Amen.