Search Our Website and Blog:

Loading




Friday, May 25, 2018

The Foundation Stone and The Messiah


FlexShopper



GAWA 4:11 at MATEO 21:42 - 44 
------------------------------------------------------------------------------------------- 

Tinanong sila ni Jesus. 'Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan? 

Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay 
Ang siyang naging batong panulukan 
Ginagawa ito ng Panginoon, 
At ito'y kahanga-hanga! 

Kaya nga sinasabi ko sa inyo: 'Hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa kanya nang tapat. ( Ang bumagsak sa batong ito ay magkakadurug - durog, at magkakaluray - luray ang mabagsakan nito. ) 

--------------------------------------------------------------------- 

Ang Jesus na ito: 
Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay 
Ang siyang naging batong panulukan. 
--------------------------------------------------------------------- 

1 PEDRO 2:6 - 10 

Sapagkat sinasabi ng Kasulatan: 

'Masdan ninyo, itinayo ko sa Sion 
Ang isang batong panulukan, 
Hinirang at mahalaga; 
Hindi mabibigo ang sinumang nananalig sa Kanya'. 

Kaya nga, mahalaga Siya sa inyong mga may pananalig. Ngunit sa mga walang pananalig, matutupad ang nasa Kasulatan: 

'Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo 
Ay siyang naging batong panulukan'. 

at 

'Naging batong katitisuran 
At ikararapa o ikapapamahamak ng mga tao'. 

Natisod sila sapagkat hindi sumunod sa salita ng Diyos; ito ang itinalaga sa kanila. 

Datapwa't kayo ay isang lahing hinirang, mga saserdote ng Hari, isang bansang nakatalaga sa Diyos. Pinili kayo ng Diyos upang maging kanya at maghayag ng mga kahanga - hangang gawa niya. Siya rin ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kanyang kagila - gilalas na kaliwanagan. Datirati, kayo'y bayang hinirang niya. Noon, pinagkaitan kayo ng habag, ngunit ngayo'y sumasainyo ang awa. 

Isulat mo ang pangitain, upang madaling mabasa at ibalita sa lahat. 
Mabilis na dumarating ang wakas hindi ito maliliban. 
Ngunit tiyak na magaganap, kung ito may nagtatagal / magtatagal. 
Masdan mo, ang hambog ay mabibigo sa kanyang kapalaluan ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa kanyang katapatan. 

Bakit mo pinapayagan ang mga taksil? 
Bakit mo pinapayagan apihin ang mga taong higit na matuwid kaysa kanila. 

Sapagkat hindi pa dumarating ang panahon. 
Hindi mo matatagalang tingnan ang kanilang kalikuan. 
Sa magkabi - kabila'y nagaganap kataksilan, gawaing makalaman, pagpapalalo at ang karahasan upang agawin ang lupaing hindi kanila. 
Mga palalo at walang kinikilalang batas. 

Ikaw ay banal. 
Ang mga kabayo nila'y mas mabilis kaysa leopardo. 
Oo buhat sa malayo dumarating. 
Hindi ba't ikaw ay walang hanggan? 

Ikaw Israel at Juda, na aking kinalugdan at kaibigan. Aking anak, lingkod at hinirang. Isa sa lipi ang itinadhana ang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos na nasa kaitaas - taasan. 
Sa iyong panganay na anak, isisilang ang isang sanggol sa bayan ng iyong ninuno. 
Sa bayang pangako na muli kitang ibabalik sa banal na lunsod malapit sa Kanyang templo at doon maninirahan. 
Sa lupaing mayaman sa bungang - punongkahoy o prutas bigas o butil, at gulayan. 
Kung saan ang puso o sentrong palasyo o kaharian at tore ng bayang iyon itinatag katulad ng mamahaling bato, hiyas o brinyantes na kailanman di maipagpapalit. 
Parang ginto na nilinis, totoo, tunay at pinadalisay. 
Nalalantay sa kanyang lipi ang dugong mandirigma. 
Ang tagapagtanggol at tagapagligtas. 
Taglay niya ang kapangyarihan ng katubigan, kalupaan, kaliwanagan at kalangitan upang pamahalaan ang sangdaigdigan. 
Isang maningning na bituin sa kanyang pagsilang. 
Ang kanyang pangalan ay di niya malilimutan sapagkat nakasulat sa kanyang palad. 
Ang simbolo ng kanyang ninuno. 
Ang iyong pagsilang ang magdadala ng pag-asa sa sanlibutan. 
Ang mga archangel at guardian knights angel sa kalangitan ay nagsisipagdiriwang at ang kanyang kaluwalhatian. 
Ang kanilang katapatan sa kanyang ipinahayag. 
Ang kanyang pagsilang ay magmumula sa silangan kung saan ang araw ay sumisikat sa bukang - liwayway. 
Tataglayin din niya ang kahilingan ng kanyang lipi ang karunungan at kaligtasan mula sa Diyos na Makapangyarihan. 
Tagapagdala ng bandila ng pangkapayapaan.

FlexShopper

No comments:

Post a Comment

Featured Post

Answer Prayer from the Devotions, Messages, Diary and Illustration of Saint Maria Eugenia Elisabetta Ravasio

TO THE LINE TOPIC SUBJECT AND ATTENTION OF: Padre Alberto Tomassi c/o Suore Missionarie “Unitas in Christo ad Patrem” Via del Cinema 16...