Search Our Website and Blog:

Loading




Sunday, January 20, 2019

Panalangin Para Sa Pagbuksan Ang Mga Banal Na Bayan Na Iyong Ipinaghanda at Maging Tahanan Sa Araw Na Itinakda ng Pagliligtas

SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.... AMEN....

Opo, aking Panginoon, aking Diyos, aking Hari, at aking Ama ng Awa. Ang banal na sugat sa iyong tagiliran na nagpabukal sa iyong misteryosong dugo at tubig na tumulo at dumaloy sa mga lansangan ng iyong Banal na Bayan na nagbigay ng seguridad at pananggalang sa amin, sa tulong at gabay ni Maria na may scepter. Ako na iyong lingkod at alagad ay sumunod sa iyong Banal na Pagliligtas noong panahon ng iyong pagpapakasakit kasama ang alagang aso ni San Roque. Sa gabay ng iyong liwanag, aking natanaw ang iyong plano. Sinabi mo sa akin na sa simula sa Banal na Pintuan ng bahay ng iyong sambayanan at lipi ni Israel at Juda na sina Ginang Juana Jamilano Portes at Ginoong Valentin Tinamisan Portes kasama ang kanilang mga anak na sina Ginoong Miguel Jamilano Portes, Ginang Lilia Jamilano Portes Y Maquirang, Ginoong Edgardo Jamilano Portes at Binibining Milagros Jamilano Portes sa Claro M. Recto Street, Sitio Caltex, Brgy. Castillo, Bayan ng Pagbilao, Probinsya ng Quezon sa Pilipinas ang iyong sariwang dugo at tubig ay magbububo at kakaladkarin ang iyong Banal na Katawan hanggang sa Patio ng Iyong Templo sa simbahan ni Santa Katalina ng Alejandria VM, Diocese ng Lucena, Decuria at Apostol ni San Mateo kasama sina San Mark at San Santiago, Baranggay ni Santa Katalina, Bayan ng Pagbilao, Probinsya ng Quezon sa CALABARZON sa Pilipinas. 

Ang iyong pagpapakasakit sa araw na ito ang nagbigay sa amin ng seguridad, proteksyon, pananggalang at kaligtasan sa nakatakdang digmaang Espiritual. Iyong pinaala-ala sa akin ang iyong ginawang pagliligtas sa iyong piniling sambayanan at lipi noong panahon ni Moises at ang iyong lingkod na si Aaron ay nasa pangangalaga ng kanyang kapatid na si Ramases sa Kaharian ng Egipto. Iyong sinabi, O Diyos Amang si YHWH sa iyong tapat na lingkod at alagad na si Moises ang paparating na kaparusahan mula sa Kaharian ni Kamatayan na si Hades, ang mga anak na panganay na babae o lalaki, bata o matanda, mahirap o alipin, maharlika o mayaman at maging mga hayop 
ng Kaharian ng Egipto ay mamamatay. Dahil sa Iyong mahabaging puso at awa, aking Panginoon, aking Diyos, aking Hari at aking Ama, ang sambahayanan at lipi ng Israel at Juda ay Iyong ililigtas sa pamamagitan ng dugo at tubig na nagmula sa turo, baka, lamb o kambing na ipininta sa mga pader at pintuan ng kanilang bahay. Maraming salamat aming Diyos Ama at Maria na may scepter na kami ay hindi ninyo nalimot na ibilang sa inyong Plano ng Kaligtasan.


LETANIA UPANG PAGBUKSAN ANG MGA BANAL NA BAYAN NA IYONG IPINAGHANDA AT MAGING TAHANAN SA ARAW NA ITINAKDA NG PAGLILIGTAS....

* O Panginoong Jesukristo kami ay Iyong patuluyin sa Banal na Bayan ng Pagbilao, Probinsya ng Quezon sa Pilipinas mula sa Patio ng Templo ng simbahan ni Santa Katalina ng Alenjandria VM. upang pansamantalang manirahan hanggang sa matapos ang ideniklarang digmaang Espiritual. Nawa'y ang inyong sambayanan at lipi kami ay patuluyin. Ganoon din ang aming sambayanan at lipi na nasa ibang bayan naninirahan o dahil sa kanilang trabaho....

- Kami ay inyong kaawaan....

* Aming Inang si Maria na may scepter, na mapagpala sa mga tumatalima sa Banal na Kautusan. Kami ay iyong turuan kung ano ang aming gagawin. Handa po kaming sumunod sa Plano ng Kaligtasan....

-Kami ay inyong kaawaan....


* Maria na may Banal na Aklat ng Buhay, nawa'y kami na inyong sambahayanan at lipi ay nasa listahan upang papasukin sa Patio ng Templo ng simbahan ni Santa Katalina ng Alenjandria VM, sa Bayan ng Pagbilao, Probinsya ng Quezon, sa Pilipinas....

-Kami ay inyong kaawaan....


* Maria Immaculada Conception kasama ng inyong lingkod at alagad, kami ay inyong gabayan sa landas at daan patungo kay Jesukristo....

-Kami ay inyong kaawaan....


* Maria Fatima at Maria Lourdes kasama ng inyong lingkod at alagad, kami ay inyong ipaglaban sa masasama....

-Kami ay inyong kaawaan....


* Maria Dolores at Maria Manaoag kasama ng iyong lingkod at alagad maawain sa kanyang mga anak na nagpapakumbaba....

-Kami ay inyong kaawaan....

* Maria Dolorosa at Santa Rapunsel kasama ng inyong lingkod at alagad, Banal na Makapangyarihang Orasan ng Panahon, inyong ipakita sa amin kung ano ang mga magaganap sa hinaharap at sa digmaang Espiritual upang kami ay makapaghanda at makapagligtas ng inyong at aming sambahayanan at lipi ganoon rin ng inyong kaharian at pamayanan....

-Kami ay inyong kaawaan....


* Santa Katalina ng Alejandria at iyong mahiwagang kagamitan na gulong kasama ng inyong lingkod at alagad, ganoon din ang inyong sambahayanan at lipi kami ay inyo ring kapamilya, salubungin ng may ngiti at may katalinuhan. Kami ay inyong bigyan ng lugar sa Banal na Bayan at sa Patio ng Templo ng iyong simbahan....

-Kami ay inyong kaawaan....


* Maria Perpetual Help kasama ng inyong lingkod at alagad, kami ay inyong pagalingin at hilumin ang mga nasugatan sa aming paglalakbay at pakikipaglaban papunta sa Banal na Bayan ng Pagbilao, Probinsya ng Quezon sa Pilipinas....

-Kami ay inyong kaawaan....

* Santa Maria Veronica, Misael, Ananias at Azarias kasama ng iyong lingkod at alagad, maawain sa mga bata tulad ng tatlong mukha ni Jesukristo sa inyong makapangyarihang panyo, kami ay inyong kalingahin at alagaan sa inyong piling sa Banal na Bayan.

-Kami ay inyong kaawaan....


* Maria Juana kasama ng inyong lingkod at alagad kami ay inyong tahian ng kasuotan upang ibsan ang aming kahubaran tulad nina Aloha at Alohita dahil sa aming kasalanan, kataksilan at kasamaan. Patawarin mo kami. Gayundin naman pinasasalamatan namin ang kabutihang-loob ng Samaritan na tumulong na hanapan ng maiisuot na kasuotan at hilumin ang mga sugat ng abang manlalakbay. Subalit kami ay iyong patawarin minsan sa sobrang pag-kaawa at katangahan na ibinigay namin ang lahat ng aming suot na kasuotan, na walang kaabog-abog kung itong aking tinutulungan ay talagang nangangailangan. Patawarin mo kami, na hindi nasagi sa aming isip ang itinuro ni Jesukristo, habang naglalakbay papunta sa Banal na Bayan....

-Kami ay inyong kaawaan....

* Maria Aurora at Maria Jessica kasama ng inyong lingkod at alagad, maraming salamat sa mahabangin mong puso na tumutulong na hanapin ang mga nagdulot ng hinagpis sa kanyang Mahal na Ina na si Ginang Felicita "Felicity" "Felicia" "Cita" Ravasio at amang si Ginoong Carlo Gervacio Ravasio ganoon din sa ating Panginoon, ating Diyos, ating Hari at Ama ng Lahat ng Sangkatauhan na humihingi ng katarungan para sa sinapit ng kanyang anak na si Santa Maria Eugenia Elisabetta Ravasio sa paglapastangan sa Mensahe ng Kaligtasan at sa pagsabotahe sa kanyang pagkatao, sa kanyang kabanal-banalan na pangalan.

-Kami ay inyong kaawaan....


* Aming Panginoon, aming Diyos, aming Hari at aming Ama ng Awa, hinihiling ko po sa inyo, gamit ang mga kapangyarihan ng mahalagang elementong bato na lagyan po ninyo ng mga pananggalang at seguridad ang inyong mamamayan, mga Banal na Bayan na inyong pinili at inyong Kaharian laban sa inyong mga kaaway at nagtatangkang agawin sa inyo ang iyong trono....

-Kami ay inyong kaawaan....

* Santo Papa Leo XIII at Archangel Michael kasama ang buong hukbo ng Angel, lingkod at alagad na mga Santo Papa simula kay San Pedro Apostol hanggang kay Santo Papa Juan Pablo II, ang kanilang katapatan at paninindigan sa katotohanan, pagbibigay ng pagkakataon na ayusin ang pagkakamali at masusing pagsisiyasat kung ano tama....

-Kami ay inyong kaawaan....


* San Raphael, San Gabriel, San Miguel, San Uriel, San Ariel, San Vincent Ferrer, San Jegudiel, San Itiel, San Moroni, San Rhohan, San Rhoan at marami pang iba kasama ang inyong buong hukbo upang panatilihin at magdala ng mensahe tungkol sa kaligtasan, kapayapaan, katarungan, kabutihan, kalasag, kalusugan, kaunlaran at kalayaan ng aming at inyong kaharian at pamayanang kinabibilangan....

-Kami ay inyong kaawaan....


* San Urchiel, San Benito at Santo Nino ang bata kasama ang inyong lingkod at alagad sa pagpapagaling at buksan ang mata upang makakita, buksan ang tainga upang makarinig, buksan ang boses upang makapagsalita....

-Kami ay inyong kaawaan....

 * Maria Penafrancia kasama ang inyong lingkod at alagad, tapat na kaibigan ng mga kabataan, salamat sa inyong mapamahal at mapag-aruga sa mga bata at hindi mo kami pinabayaan. Aming proyekto at kaunlaran ganoon din ang pagtatayo ng charity foundation para sa paglinang ng mga kakayahan at abilidad ng ating kabataan tulad ng physical fitness at self-defense, social interaction and well-being, good moral character and attitude, spiritual activity and mission task, talent discovery, financial and generating-income support, community services and disaster preparation atbp. Ganoon din kay Santa Maria Judy Ann, sa kanyang asawa at sa kanyang tapat na Ama, sa kanyang dalisay, totoo, tunay at walang hanggang pangako sa kanyang anak kasama ang mga kabataan na kanilang iniligtas at inilagaan na saan man sila mapunta, ano mang panahon, gaano mang kalayo, ano man ang kanilang pagkatao at sino man sa kanila ang may kakayahang tumulong sa isat-isa....

-Kami ay inyong kaawaan....

* Maria at Jose kasama ang inyong anak na si Jesukristo ganoon din kina Maria at Soledad kasama ang inyong anak na si Eduard Silvallana Forca Jamilano Portes ituro at patuluyin mo kami sa banal at makapangyarihang fountain of mercy at fountain of life upang ang aming sambahayanan at lipi na naging medalyon, singsing, gintong pera o denaryo, estatwa, pinapangit ang hitsura at aming mga mata na binulag ng kanilang liwanag, ganoon rin ng tainga at boses, pinatay na aming kasamahan dahil sa aming kalabisan, pagkamkam ng kagamitan na hindi amin, paglapastangan sa mga nilalang na makapangyarihan atbp. Tulad ng bilin inyo sa amin tuwing kami ay maglalakbay tanging kabutihan o tunay pagmamahal, pagkalinga sa aming kapwa ang gawin namin sa bawat makakasalamuha namin bukod doon ang tunay na katalinuhan, tiwala sa isat-isa at pananampalataya sa Tipan ng Diyos. Kami ay inyong patawarin sapagkat hindi namin nagampanan....

-Kami ay inyong kaawaan....

 * Santa Maria Regina di Coeli at Maria Angela na kanyang anak, kasama ang inyong lingkod at alagad tulad nina Musica at Lyrae. Kami ay aliwin sa aming pagdadalamhati at kalungkutan dulot ng pagdurusa sa kasalanan, kahirapan sa buhay, pagdaing sa kalapastanganan, kapighatian sa sakit at karamdaman, ganoon din ang kamatayan ng aming kapamilya at kaibigan. Sa malamyos at malamig na boses na kasaliw ng alpha, plauta at lira na nagdulot sa amin ng kaligayahan. Sa galing mo sa pag-arte ng entablado kami ay naligtas sa panganib. Ganoon din sa aming puso na nagbigay ng pag-asa at lakas ng loob na harapin namin ang aming takot na labanan ang kasamaan, kataksilan at kasalanan....

-Kami ay inyong kaawaan....

* San Mateo, San Marco, San Santiago, San Andres, San Pablo, San Bartolome, San Judas Tadeo, San Juan, San Tomas, San Felipe, San Simon, San Pedro at mga kasama na lingkod at alagad ganoon rin ang mga tapat na banal na santo at santa, ituro mo po sana sa amin ang mga banal na bayan na inyong inihanda para sa amin upang tirahan at sa araw ng pagliligtas tulad ng:

Pyramid ng Ehipto.
-Kami ay inyong papasukin. 

Temple Mount ng Israel at Juda.
-Kami ay inyong papasukin.

Great Wall of China at sa mga templo ng Hinduism, Budism, Janism atbp.
-Kami ay inyong papasukin.

Templo ng Mecca at mga Mosque sa buong mundo.
-Kami ay inyong papasukin.

India, Pakistan sa mga templo na tinirahan ni Propetang Elias o "Propetang Kalbo" at Monghang si Mahatma Gadhi ganoon din sa mga templo ng Hinduism, Budism at Janism.
-Kami ay inyong papasukin.

St. Peterburgs ng Vatican City sa Italy.
-Kami ay inyong papasukin.

Stonehence, Big Ben, mga palasyo at kastilyo ng United Kingdom.
-Kami ay inyong papasukin.

 Eifel Tower sa Paris, France.
-Kami ay inyong papasukin.


Sa mga templo ng Hinduism, Budism at Janism sa Unity Korea.
-Kami ay inyong papasukin.

Ang paghahanda para sa banal na bayan ang lugar ng lupain nina Saint Francisco, Saint Jacinta at Saint Lucia sa Cova de Lria sa Fatima, Purtogal. Ang pagbububo o pagpintura ng inyong Banal at Misteryosong Dugo at Tubig.
-Kami ay inyong papasukin.

Ang paghahanda ng Banal na Bayan ang lugar na Monasteryo na pinasukan ni Saint Helen Faustina Kowalska sa Cracow, Poland. Ang pagbububo at pagpintura ng inyong Banal at Misteryosong Dugo at Tubig.
-Kami ay inyong papasukin.

Municipality ng Metro Manila.
-Kami ay inyong papasukin.

Ang lupain na sakop ng ABS-CBN Kapamilya Network sa Quezon City sa Pilipinas.
-Kami ng inyong papasukin.

Ang Malakanyang Palace ng Pilipinas.
-Kami ng inyong papasukin.

Tower of Pisa sa Italy.
-Kami ay inyong papasukin.

Ang White House sa Washington D.C. at Time Square ng New York City ng United States of America.
-Kami ay inyong papasukin.

Mga templo nina Zeus at Hera, ganoon din sa 3 niyang kapatid, palasyo at kastilyo sa Greece.
-Kami ay inyong papasukin.

Templo ng Diyos ng Kabundukan at Kapatagan ng bansang Syria at Lebanon.
-Kami ay inyong papasukin.

Palasyo at Kastilyo ng Moscow at Kremlin ng Russia.
-Kami ay inyong papasukin.

Sakae Town at mga ancient templo, shrines at kastilyo ng Japan.
-Kami ay inyong papasukin.

Templo ng Mayan sa Mexico.
-Kami ng inyong papasukin.

at marami pang iba....
-Kami ay inyong kaawaan....


* Mahiwaga at Banal na Salamin ng katotohanan, pagkatao at tunay na kalooban, iyong ipakita at sabihin ang kanilang tunay na pagkatao, kung sila ay may katapatan at mapagkakatiwalaan, ang kalinisan at tunay nilang hangarin sa pagpunta sa mga Banal na Bayan....

-Kami ay inyong kaawaan....

* Mga hukom at matatanda ng Banal na Bayan, nawa'y inyong pairalin ang katarungan upang mapanatili ang karapatan, kaligtasan, seguridad at kalasag na pananggalan higit sa lahat ang kapayapaan....

-Kami ay inyong kaawaan....

SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.... AMEN....

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Salamat sa wakas bumaba mula sa Kataas-taasan ang Hatol ng Katarungan at Tribunal of Mercy sa mga gumawa ng kalapastanganan, mga kasamaan, mga kataksilan at kasalanan sa mga kapamilya at kaibigan nina Ginang Juana Jamilano Portes at Ginoong Valentin Portes, Ginoong Atilano Forca at Ginang Cresencia Silvallana na nakatira sa lupain ng Banal na Pintuan sa Brgy. Castillo hanggang sa Patio ng Templo ng simbahan ng Santa Katalina ng Alejandria VM. sa Bayan ng Pagbilao, Probinsya ng Quezon sa Pilipinas na pinamamahayanan ng mga maharlika, na sambayanan at lipi nina Israel at Juda, ng India at Pakistan, ng Brunei Durasalam, ng USA, ng Portugal, ng Mexico, ng China, ng Japan, ng mga bansang kasali sa UNITED NATION. Ang matandang lunsod ng LAODESIA. Sa iyong pagkamatay, mas-gugustuhing mo pang mamatay o tawagin at hanapin ang KAHARIAN NI KAMATAYAN HADES subalit hindi mo matatagpuan, ni sasaraduhan at hindi ka papakinggan, iyong haharapin ang anong pahirap sa KULUNGAN NG APOY NG INFERNO. Tulad din ng pagpapahirap mo.

Kasama ang deklarasyon ng digmaang ESPIRITUAL mula sa iba't-ibang panig ng 600 na kaharian at pamayanan, kasama ng mga hari at reyna, ministro at pangulo ng mga bansa sa buong daigdig. Mga daanan at pintuan mula sa Kaharian ng Katubigan, Kaharian ng Kalupaan, Kaharian ng Liwanag at Apoy, Kaharian ng Kalangitan, Kaharian ng Espiritu ganoon din ng Kaharian ng Hades Underworld inyong buksan. Padaanin ang mga kasandaluhan, tauhan, lingkod at alagad, ganoon din kanilang mga sambayanan at lipi. Ihanda ang inyong mga sandata at kagamitan tulad ng espada, spear, arrow and bow, scepter at staff, mga karit, hammer at palakol, ganoon din ang mga aklat ng karunungan at mga elemental precious stone, palakasin din ang inyong spirit light energy, ang self-defense at martial arts upang ipagtanggol ang kanilang kapamilya, sambayanan, lipi ganoon din kanilang kaibigan. Kailangan ng putulin ang kanilang mga kalapastanganan, kasamaan, mga kataksilan at mga kasalanan.

Mga grupo ng mga Maria at Mary kayo ay maghanda sa pakikipaglaban. Kunin ninyo sa habilinan at tabihan ng inyong holy rosary chain with cross blade. Muli ninyong sanayin ang iyong mga sarili gamit ang inyong mga kagamitan. Mga sambayanan at lipi pumunta kayo sa mga BANAL NA BAYAN na KANYANG INIHANDA na may MISTERYOSONG DUGO AT TUBIG kanilang PALATANDAAN upang hindi kayo papatayin:

* PYRAMID NG EGYPTIAN sa dating lugar kung saan may security at protection noong panahon ni MOISES.
* Ganoon din sa TEMPLE MOUNT SA ISRAEL AT JUDA.
* Sa INDIA AT PAKISTAN CONTINENTAL sa mga TEMPLO na tinarahan ni PROPETANG ELIAS at ng TEMPLO NG HINDUISM, BUDHISM AT JANISM.
* PILIPINAS sa Bayan ng Pagbilao, Probinsya ng Quezon.

Ipaala-ala ninyo sa inyong mamamayan ang kaligtasan na naganap noong panahon nina MOISES sa EGYPTIAN upang hindi kayo madamay. Sa aming mga kapatid na sambayanan at lipi ni ISMAEL AT LABAN na ngayon ay mas-kilala bilang mga MOSLEM dahil inyong katapatan sa Mensahe at Kautusan ng Kaligtasan.

Napanatili ninyo ang inyong katapatan. Kayo ay pansamantalang manininirahan sa mga BANAL NA TEMPLO NG MECCA at sa mga BANAL NA MOSQUE hanggang ang DIGMAANG ESPIRITUAL ay matapos. Ganoon rin sa mga mamamayan ng COVA DA LRIA, FATIMA PORTUGAL at sa MONASTERYO NI SAINT MARIA HELEN FAUSTINA KOWALSKA na tinuluyan sa POLAND, panahon na para gawin ninyo ang tamang paraan at instruction na iniutos ng ating Ama, ating Diyos, ating Panginoon at ating Hari ang PAGBUBUBO O PAGPINTURA NG DUGO AT TUBIG ayon sa utos kay MOISES noong nasa EGYPTIAN pa ang mga ISRAEL AT JUDA at ni MARIA na may scepter kay EDUARD SILVALLANA FORCA JAMILANO PORTES.... Kasama ang GREAT WALL OF CHINA dahil napanatili ninyo ang MENSAHE NG KALIGTASAN hanggang sa pagtuturo ng self-defense ang martial arts sa mga elementary hanggang college pagkatapos maglilingkod muna ng 2 taon sa POLICE MILITARY SECRET AGENT tulad ng UNITY KOREA remember KIM JUNG UN bilang tunay na ISRAEL AT JUDA....

Edit or delete this

Panalangin Para Sa Kasuutan at Kagamitan

SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT ESPIRITU SANTO.... AMEN.

O aming Panginoon, aming Diyos, aming Hari at aming Kataas-taasang Ama ng Awa, kasama ang kanyang Anak na si Jesukristo at Santa Maria Juana ganoon rin ang mga banal na santo at santa na inyong tapat na alagad at lingkod na sina San Crispin at San Hughes ay humihingi ng awa na kami ay patawarin sa aming mga kasalanan, mga kataksilan at kasamaan na naging dahilan kung bakit kami ay natambad sa kahubaran. Inaamin po namin na aming pinagbayad ang aming kasuutan at kagamitan upang takpan ang aming mga kasalanan, mga kataksilan at kasamaan dahil sa aming takot na humarap sa luklukan ng kaharian at pamayanan ganoon rin sa Hukuman ng Katarungan at Tribunal of Mercy ng ating Panginoon, ating Diyos, ating Hari, ating Hukom, ating Kataas-taasang Ama ng Awa. Kami ay nagpapakumbaba at humihingi ng paumanhin. Sana po ako'y inyong patawarin, minsan din sa aming katangahan at sobrang awa sa kapwa nalimutan namin na ibigay ang aming sariling pagmamay-ari at binigay ng aming mga magulang na kasuutan at kagamitan ng hindi namin iniisip na maaaring ginagamit lang nila ang aking awa upang ako ay kanilang maisahan ng mga lingkod at alagad nina Kasamaan at Reyna Haliparot. Nawa ay sinunod namin ang inyong katalinuhan na ipinakita ng iyong tapat at maunawaing kaibigan na Samaritan. Tinulungan kayo na hanapan at bigyan ng inyong pangangailangan tulad ng mga kasuutan at kagamitan. Bukod doon kanyang pinagaling pa na hilumin ang inyong mga sugat sa katawan. At sinamahan sa inyong paglalakbay pabalik sa inyong kaharian at pamayanan.

Aming Panginoong Jesukristo at Santa Maria Juana kasama ng banal na santo at santa na inyong tapat na alagad at lingkod na ako ay inyong kaawaan at patawarin sa mga nagawang katampalasan. Ako po ay nagmamakaawa na inyo pong pagbuksan ang inyong tahian at bilihan ng kasuutan at kagamitan. Handa ko pong sundin ang iyong mga utos upang ako ay inyong tahian ng kasuutan at kunin ang mga kinakailangan na 
tela o sangkap sa iyong pagtatahi ng aking kasuutan at maibsan ang aking kahubaran. Kung ako po ay nakagawa ng kasamaan sa inyong kabanal-banalang pamilya o sa inyong mga tapat at mahal na kaibigan, ako ay inyong patawarin. Kung kinakailangan ko pong ayusin ang mga relasyon na nasira dahil sa aking mga kasalanan upang ako ay inyong patawarin. Handa po akong gawin ang anuman upang ako ay inyong kaawaan at ipagtahi ng aking kasuutan. Humihingi rin po ako ng awa kung mayroon po kayong extrang kasuutan o damit na kakasya sa akin. Ako po sana ay inyong pagbigyan ng pagkakataon. Hindi po ako naghahanap o nag-iinarte na maaaring hindi babagay sa akin. Basta po kakasya sa akin.

Aming Ama ng Awa, aming Panginoon, aming Diyos at aming Hari ako po ay nagpapakumbaba na lumalapit sa inyo, sa harapan ng iyong trono at maringal na kaharian at pamayanan. Ako po ay lumuluhod na ako ay inyong patawarin sa mga nagawa kong kasalanan, mga kataksilan at kasamaan sa inyo, mahal na Hari. Sa kapamilya at mga tunay na kaibigan ganoon 
din sa inyong mamamayan at pamayanan. Alam ko po na aking sinasadya ang aking mga masasamang nangyari sa kanila habang nasa katawang-lupa ng sangkatauhan lalong lalo na ang inyong organization ng kabataan, na inyong kinatuwaan at sinuportahan.

Patawa
rin po ninyo ako, hindi ko po kayo kinilala, hindi ko po kayo minahal, hindi ko po kayo pinaniwalaan, hindi ko po kayo sinunod, hindi ko po kayo pinagkatiwalaan, hindi ko po kayo hinintay bagkus inibig kong kunin at angkinin ang lahat ng sa inyo, ang lupain, ang kayamanan, ang kinita o saving, ang inyong mga tauhan at lingkod, ang inyong Kabanal-banalan at Makapangyarihang pagkatao at higit sa lahat ang inyong Banal na Kaharian at Pamayanan, pati ang Korona na para lang sa karapat-dapat na nilalang at alam ko rin na may seguridad at kalasag ng inyong kapangyarihan na kapag isinuot ay maaari kaming maging medalyon, singsing, estatwa o rebulto, pinapangit ang hitsura, ginawang gintong denaryo atbp. Alam ko po ito ay kalapastanganan. Alam ko pong wala akong karapatan, ako po ay iyong patawarin. Alam ko po na ako ay nagkasala sapagka halata naman po sa aking kahubaran. Lumalapit po ako na may kababaang-loob. Nagpapakumbaba na po ako. Ayaw ko pong magtago habang buhay, nahihirapan na po akong maging TNT as in tago ng tago at takbo ng takbo nakakasawa rin po. Hindi ko rin nakamit ang tunay na kaligayahan kasi laging may takot sa aking isip, puso at kaluluwa. Wala na rin akong kuntento sa buhay. Isinusuko ko na po ang aking sarili sa inyong kaharian at pamayanan, wala na po akong magagawa. Alam ko rin po ang aking pinagmulan, na isa pala akong punungkahoy, halaman at bulaklak sa Garden of Eden. Dapat pa pala akong magpasalamat sa pansamantalang buhay na inyong ipinagkaloob sa pagsilang sa katawang-lupa ng sangkatauhan. Alam ko rin po na anumang oras ang butil o bunga ng kasamaan, ng kataksilan, ng kasalanan na nasa aking katawang espiritu ay magkaugat at mag-umpisang bumalik sa aking pinagmulan ang pagiging punongkahoy, halaman at mga bulaklak.

Ako po ay inyong patawarin at bigyan mo po ng awa. Ibig ko pong hilingin na ako ay bigyan ng pagkakataon. Alam ko pong nasa inyong kaharian at pamayanan ang aking kasuutan at kagamitan. Sa mga tapat na lingkod at alagad ng kaharian at pamayanan. Ako po ay nagpapakumbaba, ganoon rin sa mga Bounty Hunter na inyong inupahan. Ako po ay inyong patawarin. Sa mga naging anak, kapatid, katipan na iniirog, asawa, mga magulang na ama at ina, sa aking lolo at lola, sa mga naging tapat na kaibigan ako ay inyong patawarin sapagkat ipinagbayad ko kayo sa aking mga kasalanan. Sa aking mga kasabwat na aking lingkod at tauhan ay isinusuko ko na rin sa iyo, hinihiling ko na rin ang kanilang kapatawaran at kababaang-loob. Sa mga paggigipit na aking ginawa sa inyong mga sambayanan, kapamilya, lipi at kaibigan. Ganoon din sa mga naranasang paghihirap, pagtanggi, ipagtabuyan at kalapastanganan na aking nagawa sa inyong kapamilya at kaibigan. Ako ay inyong patawarin. Ganoon din sa aking mga kapamilya at kaibigan na pinutol at itinapon sa kulungan ng apoy ng inferno. Nawa ay inyong pagtiisan at dumalisay kayo ng sa tulad ng ginto. Ipinapanalangin ko po na sana'y sila ay makalaya sa kanilang kinasadlakan at mabuhay na mag-uli. Ako ay nagmamakaawa rin sa namumuno sa Kaharian ng Kamatayan na si Hades na sila ay inyong patawarin. 

Ako po si ______________ ( Banggitin ang buong mong pangalan. ) Ako po ay nagsisisi at nagpapakumbaba. Ipinangangako ko po, bilang kabayaran sa aking mga kasalanan nakahanda po ako gawin ang lahat upang ako ay inyong patawarin lalong lalo na sa mga kasalanan na aking nagawa sa inyong minamahal na anak at apo.... AMEN.


SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.... AMEN.

PANALANGIN PARA SA DETAINEE OF 6 VICINITY HOLDING AREA IN PURGATORY, REPARATION OR PAY FOR CRIMES, FORGIVENESS OF SINS AND MERCY INCLUDING JUDGEMENT OF FREEDOM....

SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.... AMEN....

Panginoon Jesukristo, ako po si ___________ ( Banggitin ang buong pangalan ), ako po ay isang makasalanan na nilalang. Nagkasala po ako sa aking kapwa, sa iyong kapamilya, sambayanan, lipi at kaibigan. Ako po ay nagsisisi at lumalapit na nagpapakumbaba ng buong puso, isip at kaluluwa. Nawa'y ako ay inyong patawarin sa aming mga kasalanan na nagawa. Aming Panginoon, aming Diyos, aming Hari at aming Ama ng Awa tulungan mo po kami. Nawa'y inyong ipadala sina San Miguel Archangel, San Gabriel Archangel at San Michael Archangel ganoon din ang inyong buong hukbo ng mga tapat na lingkod at alagad na mga angel, mga seraphim, mga kerubin, mga nympha, mga lambda, mga banal na santo at santa upang turuan, gabayan at tulungan na ayusin ang aming pagkakasala, mga kataksilan at mga kasamaan.

Bigyan mo po kami na pagkakataon na makalapit, makausap at makadaong-palad ang aming nakagawan ng kasalanan. Bigyan mo po rin ako ng pagkakataon na ayusin ang mga nasirang relasyon at hilumin ang mga sugat sa kanilang puso. Aming maunawaing Ina na kasama sa Grupo ng mga Maria at Mary na handang makinig sa aming pangangailangan tulad ng isang bata. Ina na handang makadaong-palad at makausap ng may kalakip na pagmamahal. Ina na may sagradong puso para sa kanyang anak. Ina na may kababaang-loob at yapos na tapat at dalisay na pagkalinga. Ina na handang tumulong sa pangangailangan ng kanyang anak. Samahan rin po ninyo ako sa sitwasyon na aking kinalalagyan. Nagpapakumbaba po ako. Sabihin mo po sa akin ang maaari kong gawin upang ako ay inyong patawarin. Handa po akong sumunod sa lahat na kinakailangan gawin. Ganoon din po ako ay inyong samahan, ipagsanggalang at tulungan mo po kaming ipagtanggol sa mga nilalang na gustong gumawa sa akin ng kasamaan at paghihiganti dahil sa aking mga kasalanan.

Nawa'y matapos ko ang misyon at gawain ng pagpapatawad at awa. Bago ako ay tawagin ng Kataas-taasan at Kabanal-banalang Hukom ng Hukuman ng Katarungan at Tribunal of Mercy upang harapin ang nakatakdang paglilitis sa akin at aking mga kasabwat na gumawa ng kasalanan, mga kataksilan at mga kasamaan. Bigyan mo po rin kami ng matalino at magaling na abugado o tagapagtanggol ng Israel at Juda tulad nina Otniel, Aod, Samgar, Debora at Barac, Gedeon at Abimelec, Tola at Jair, Jefte, Ibzan, Elon, Abdon, Samson, Samuel, Eli at Daniel para sa pantay at balanseng paglilitis. Nawa'y ako ay inyong patawarin at bigyan mo kami ng iyong awa at pagkakataon. Nawa'y maging pabor sa akin at sa amin ang iyong Banal na Hatol na kapatawaran sa aming nakagawan ng mga kasamaan, mga kataksilan at mga kasalanan. Ganoon din po ang aming kalayaan at makabalik uli sa inyong kaharian at pamayanan. Aking Panginoon, aking Diyos, aking Hari, aking Hukom, aking Kataas-taasang Ama ng Awa ibig ko pang mabuhay at isilang uli sa katawang-lupa ng sangkatauhan. Ako po ay humihingi na bigyan pa ng pagkakataon at awa ng makapangyarihan at may hawak ng mga karapatan upang ako ay payagan na isilang muli.... 

Papuri at pasalamat ganoon din ang kaluwalhatian at kapangyarihan sa ating Panginoon, atin
g Diyos, ating Hari, ating Hukom at ating Kataas-taasang Ama ng Awa. Sapagkat iyo ang kaharian at pamayanan. Noon, ngayon at magpakailan pa man..... AMEN.



SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.... AMEN.

Panalangin Para Sa Sakit at Karamdaman

SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT ESPIRITU SANTO.... AMEN....

AMA NAMIN

Ama namin, nasa sa Kaitaas – taasan. Sambahin nawa ang pangalan mo.
Ikaw nawa ang maghari sa amin, sundin nawa ang iyong kalooban dito sa *lupa (kalupaan) tulad ng sa sangkataas – taasan.Makiisa at makasama nawa kami sa inyong kaharian.Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw – araw; at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin.At huwag mo kaming iharap  sa mahigpit na pagsubok,  at iligtas mo kami laban kay Kasamaan at Reyna Haliparot!

Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at kapurihan, magpakailanman.

AMEN….

ABA PO, MARIA

Aba po, MARIA/MARY napupuno KA ng grasya, ang PANGINOONG DIYOS AMA ay sumasainyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong mga ANAK at si HESUS.

GRUPO ng SANTA MARIA/MARY, Ina ng DIYOS, kaisa ng WALANG HANGGANG AMA NG AWA, aming Panginoon, aming Diyos, ipanalangin at tulungan Mo po kaming makasalanan, iligtas Mo po ang aming mga kaluluwa, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggang.... Siya Nawa....

Bisitahin mo po kami, Panginoong Jesukristo, Santa Maria Perpetual Help, at San Raphael Archangel kasama ang mga banal na santo at santa na inyong lingkod at alagad na sina San Benito, San Padre Pio, San Antonio de Padua, San Francis ng Assisi, Santa Ynes, Santa Agnes, Santa Cecilia, Santa Rosa Rosal, Santa Agatha, Santa Maria Christiana, Santa Brigette, Santa Phelomina at marami pang iba. Kamahal-mahalang at may kababaang-loob, ng mga banal na puso at awa sa mga karamdaman at sakit. Inyo pong alisin ang mga humahadlang sa mga daanan ng dugo, tubig at hangin. Tunawin po ninyo ang mga bukol at tumor sa aming katawan. Linisin po ninyo ang mga basura at toxin sa aming kidney, pancreas, stomach, large at small intestine. Humihingi po kami na pahintulot na masalinan ng inyong Banal at Makapangyarihan na Dugo at Tubig upang bigyan pa muli ng pagkakataon na mabuhay. Bigyan mo po kami ng Donor sa mga bahagi ng aming katawan na hindi na gumagana o malfuction na kinakailangan ng transplant procedure. Buksan po ninyo ang aming mga mata upang kayo ay aming makita. Buksan po ninyo ang aming mga tainga upang ang mga gabay at turo ng inyong salita ay aming marinig. Buksan po ninyo ang aming mga boses upang kami ay makapagsalita at makipagtalastasan sa inyo. Panginoong Jesukristo sinabi po ninyo na kapag may dalawa, tatlo o grupong magkakasama sa mga panalangin at pagtitipon ay naroroon kayo, at mapapalakas ninyo ang inyong kapangyarihan ganoon rin ang inyong spirit light energy sa pagpapagaling ng may karamdaman at sakit. Pagalingin at linisin po ninyo ang aking bahagi ng katawan na natuyo at humahadlang upang makaramdam ng sakit at hapdi sa aking pag-ihi. Paghilumin po ninyo ang aming mga sugat, Panginoong Jesukristo kasama si Archangel Raphael at mga banal na santo at santa, mga lingkod, alagad at hukbo ng manggagamot. Tanggalin po ninyo sa aming katawan ang mga genetic hereditary errors na naging dahilan ng aming mga karamdaman at sakit. Patayin po ninyo ang mga masasamang bacteria, virus at fungi sa balat. Inyo pong linisin, Panginoong Jesukristo. Palakasin po ninyo ang aming enerhiya upang makakilos at makagawa ng iyong mga Banal na Kalooban at Dalisay na Kautusan. Sabihin po ninyo ang mga karapat-dapat na aming kainin at inomin upang humaba pa ang aming buhay at makasama pa namin ang aming mahal sa buhay na kapamilya at kaibigan. 

Panginoong Jesukristo, ako po ay nangangako na kapag ako ay iyong pagalingin sa aking karamdaman at sakit, ako po ay sasali sa inyong organization na pangsimbahan ng may buong isip, puso at kaluluwa na maglilingkod sa inyong mga mamamayan lalong lalo na ang kabataan at inyong kaharian ganoon din ng inyong pamayanan. Isasama ko rin ang aking buong kapamilya at kaibigan sa paglilingkod sa inyo. Iniaalay ko po ang lahat ng aking mga panalangin, ang kakayahang makatulong, ang maibahagi ng aking talento, kayamanan at panahon sa lahat ng nangangailangan. Panginoon Jesukristo, maglilingkod po 
ako ng may kaligayahan at bukas na puso. Hayaan po ninyo, gawing magaan ang lahat ng aming buhatin na responsibility sa tulong ng iyong maunawaing at awa ganoon rin ng inyong mapagkakatiwalaan at nagkakaisang hukbo ng mga banal na santo at santa na inyong mga tapat na lingkod at alagad, ganoon rin ang inyong maunawaing kapamilya at mapagkalingang kaibigan. Ipinapanalangin ko rin po, na ako ___________ ( Bangitin ang pangalan ) ay makasama o makasali sa paglilingkod ng inyong kaharian at pamayanan batay sa aking kakayahan, batay sa kung anong available na divine mission o task, batay sa kakayahan na ituturo po ninyo at sa batay na available na bakante na trabaho. Ibig ko rin po na mamuhay na kasa-kasama mo sa inyong kaharian at pamayanan na may kalasag, kapayapaan, kalayaan, karapatan, pagkakaisa, kaunlaran, kalusugan, na may tunay na kaligayahan, pagmamahal o pag-ibig, karunungan o katalinuhan at tiwala o pananampalataya kasama ang ating Hari, ating Panginoon, ating Diyos, ating Kataas-taasang Ama ng Awa.

Panginoon, bigyan po ninyo ng lunas ang sakit o karamdaman ni Reyna Haliparot dahilan ng kanyang kalaswaan, gawaing kabastusan at gawaing makalaman na nagpaparumi sa ating katawan, ganoon rin sa ating isipan, puso at kaluluwa. Turuan po ninyo kami na maging tapat ang aming mga katipan na iniirog o asawa, ama at ina upang hindi kami mahawa sa nakamamatay na sakit at karamdaman na tulad ng STD, UTI, HIV at higit sa lahat AIDS. Ilayo mo kami at ang aming katipan na iniirog o ang aming asawa ganoon rin ang aming ama at ina na matukso sa kahalayan. Pagkaisahin po ninyo kami ng aming pamilya at ipaala-ala ang mga kasamaan at consequences ng broken family o ng may pamilya sa labas ng sagradong ng kasal. Gabayan po ninyo kami, ang aming katipan na iniirog, ang aming asawa, ganoon rin ang aming anak, ama at ina na magkaroon ng banal na pagkaunawa at ipaglaban ang pamilya sa lahat ng gustong sumira nito, kung kinakailangan buhay ang kapalit ng mga sumisira ng Banal na Pamilya. Tulungan po ninyo kami na maging malinis dalisay, tunay, tapat at totoo upang maiwasan ang sakit at karamdaman na dulot nito. Ganoon rin po turuan ninyo rin kami na maging mapagmahal o mapagkalinga sa isat-isa, tunay na kaligayahan na kayo Panginoon Jesukristo ganoon rin ng buong hukbo ng mga banal na santo at santa na inyong mga tapat na lingkod at alagad ay aming kasa-kasama sa paglalakbay sa buhay at pagtatanggol sa inyong kaharian at pamayanan. Itinatakwil at pinahihintulutan po namin na sila ay dakpin o hulihin at iharap ng kaso sa Hukuman ng Katarungan at Tribunal of Mercy upang hindi makapanggulo at huwag hayaan na pahintulutan na ipagkanulo ang aming buhay at manatili na buo at pagkakaisa, sagradong pagsasama ganoon din ang pagtaksilan ang aming kapamilya. Kami po sana ay inyong anyayahan at isali sa mga grupo na makakatulong upang kami, aming kapamilya ay maging malago, siksik at umaapaw na kasiyahan at kaunlaran, ganoon din po, San Valentino at San Nicholas turuan po ninyo kami ng tunay na pagmamahal o bukal sa loob na pagbibigay sa kapwa at sa nangangailangan na may kaligayahan sa aming mga puso. Turuan rin po ninyo ako, Maria Dela Rosa, Maria Merdugorje, Maria Guadalupe, Santa Joan ng Arch, Santa Katalina ng Siena, Santa Anastasia at San Juan Bautista kasama ang inyong mga banal na lingkod at alagad upang kami'y patatagin at palakasin ang aming tiwala at pananampalataya sa ating Diyos Ama sa panahon na kami ay nag-aalinlangan. Ganoon din ang gabayan at turuan mo po kami na masunod namin ang kalooban at kautusan. Batid namin ito ay para sa aming kabutihan at higit sa lahat aming kaligtasan....

Tinatanggap ko na po ng buong puso ang inyong pagpapagaling sa aking karamdaman at sakit at pagpapasalamat sa lahat ng tulong na nagawa ninyo sa aking pamilya at sambayanan upang kami ay mamuhay na magkakasama at may katapatan sa isa't-isa. Panginoon, gabayan po ninyo ang aming sambayanan at lipi na makabalik papunta sa inyong kaharian at pamayanan, sa piling ng ninyong Sagrado at Banal na Pamilya.... AMEN.


Papuri at Pasalamat sa Inyo, ganoon din ang Kaluwalhatian magpakailanman, AMING WALANG HANGGANG AMA NG AWA, INA, ANAK AT ESPIRITU SANTO.... Kapara ng unang-una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang-hanggan.... 

( Ulitin ng Tatlong Beses ) 

Siya Nawa....

SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT ESPIRITU SANTO.... AMEN....





Featured Post

Answer Prayer from the Devotions, Messages, Diary and Illustration of Saint Maria Eugenia Elisabetta Ravasio

TO THE LINE TOPIC SUBJECT AND ATTENTION OF: Padre Alberto Tomassi c/o Suore Missionarie “Unitas in Christo ad Patrem” Via del Cinema 16...