Search Our Website and Blog:

Loading




Sunday, January 20, 2019

Panalangin Para Sa Kasuutan at Kagamitan

SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT ESPIRITU SANTO.... AMEN.

O aming Panginoon, aming Diyos, aming Hari at aming Kataas-taasang Ama ng Awa, kasama ang kanyang Anak na si Jesukristo at Santa Maria Juana ganoon rin ang mga banal na santo at santa na inyong tapat na alagad at lingkod na sina San Crispin at San Hughes ay humihingi ng awa na kami ay patawarin sa aming mga kasalanan, mga kataksilan at kasamaan na naging dahilan kung bakit kami ay natambad sa kahubaran. Inaamin po namin na aming pinagbayad ang aming kasuutan at kagamitan upang takpan ang aming mga kasalanan, mga kataksilan at kasamaan dahil sa aming takot na humarap sa luklukan ng kaharian at pamayanan ganoon rin sa Hukuman ng Katarungan at Tribunal of Mercy ng ating Panginoon, ating Diyos, ating Hari, ating Hukom, ating Kataas-taasang Ama ng Awa. Kami ay nagpapakumbaba at humihingi ng paumanhin. Sana po ako'y inyong patawarin, minsan din sa aming katangahan at sobrang awa sa kapwa nalimutan namin na ibigay ang aming sariling pagmamay-ari at binigay ng aming mga magulang na kasuutan at kagamitan ng hindi namin iniisip na maaaring ginagamit lang nila ang aking awa upang ako ay kanilang maisahan ng mga lingkod at alagad nina Kasamaan at Reyna Haliparot. Nawa ay sinunod namin ang inyong katalinuhan na ipinakita ng iyong tapat at maunawaing kaibigan na Samaritan. Tinulungan kayo na hanapan at bigyan ng inyong pangangailangan tulad ng mga kasuutan at kagamitan. Bukod doon kanyang pinagaling pa na hilumin ang inyong mga sugat sa katawan. At sinamahan sa inyong paglalakbay pabalik sa inyong kaharian at pamayanan.

Aming Panginoong Jesukristo at Santa Maria Juana kasama ng banal na santo at santa na inyong tapat na alagad at lingkod na ako ay inyong kaawaan at patawarin sa mga nagawang katampalasan. Ako po ay nagmamakaawa na inyo pong pagbuksan ang inyong tahian at bilihan ng kasuutan at kagamitan. Handa ko pong sundin ang iyong mga utos upang ako ay inyong tahian ng kasuutan at kunin ang mga kinakailangan na 
tela o sangkap sa iyong pagtatahi ng aking kasuutan at maibsan ang aking kahubaran. Kung ako po ay nakagawa ng kasamaan sa inyong kabanal-banalang pamilya o sa inyong mga tapat at mahal na kaibigan, ako ay inyong patawarin. Kung kinakailangan ko pong ayusin ang mga relasyon na nasira dahil sa aking mga kasalanan upang ako ay inyong patawarin. Handa po akong gawin ang anuman upang ako ay inyong kaawaan at ipagtahi ng aking kasuutan. Humihingi rin po ako ng awa kung mayroon po kayong extrang kasuutan o damit na kakasya sa akin. Ako po sana ay inyong pagbigyan ng pagkakataon. Hindi po ako naghahanap o nag-iinarte na maaaring hindi babagay sa akin. Basta po kakasya sa akin.

Aming Ama ng Awa, aming Panginoon, aming Diyos at aming Hari ako po ay nagpapakumbaba na lumalapit sa inyo, sa harapan ng iyong trono at maringal na kaharian at pamayanan. Ako po ay lumuluhod na ako ay inyong patawarin sa mga nagawa kong kasalanan, mga kataksilan at kasamaan sa inyo, mahal na Hari. Sa kapamilya at mga tunay na kaibigan ganoon 
din sa inyong mamamayan at pamayanan. Alam ko po na aking sinasadya ang aking mga masasamang nangyari sa kanila habang nasa katawang-lupa ng sangkatauhan lalong lalo na ang inyong organization ng kabataan, na inyong kinatuwaan at sinuportahan.

Patawa
rin po ninyo ako, hindi ko po kayo kinilala, hindi ko po kayo minahal, hindi ko po kayo pinaniwalaan, hindi ko po kayo sinunod, hindi ko po kayo pinagkatiwalaan, hindi ko po kayo hinintay bagkus inibig kong kunin at angkinin ang lahat ng sa inyo, ang lupain, ang kayamanan, ang kinita o saving, ang inyong mga tauhan at lingkod, ang inyong Kabanal-banalan at Makapangyarihang pagkatao at higit sa lahat ang inyong Banal na Kaharian at Pamayanan, pati ang Korona na para lang sa karapat-dapat na nilalang at alam ko rin na may seguridad at kalasag ng inyong kapangyarihan na kapag isinuot ay maaari kaming maging medalyon, singsing, estatwa o rebulto, pinapangit ang hitsura, ginawang gintong denaryo atbp. Alam ko po ito ay kalapastanganan. Alam ko pong wala akong karapatan, ako po ay iyong patawarin. Alam ko po na ako ay nagkasala sapagka halata naman po sa aking kahubaran. Lumalapit po ako na may kababaang-loob. Nagpapakumbaba na po ako. Ayaw ko pong magtago habang buhay, nahihirapan na po akong maging TNT as in tago ng tago at takbo ng takbo nakakasawa rin po. Hindi ko rin nakamit ang tunay na kaligayahan kasi laging may takot sa aking isip, puso at kaluluwa. Wala na rin akong kuntento sa buhay. Isinusuko ko na po ang aking sarili sa inyong kaharian at pamayanan, wala na po akong magagawa. Alam ko rin po ang aking pinagmulan, na isa pala akong punungkahoy, halaman at bulaklak sa Garden of Eden. Dapat pa pala akong magpasalamat sa pansamantalang buhay na inyong ipinagkaloob sa pagsilang sa katawang-lupa ng sangkatauhan. Alam ko rin po na anumang oras ang butil o bunga ng kasamaan, ng kataksilan, ng kasalanan na nasa aking katawang espiritu ay magkaugat at mag-umpisang bumalik sa aking pinagmulan ang pagiging punongkahoy, halaman at mga bulaklak.

Ako po ay inyong patawarin at bigyan mo po ng awa. Ibig ko pong hilingin na ako ay bigyan ng pagkakataon. Alam ko pong nasa inyong kaharian at pamayanan ang aking kasuutan at kagamitan. Sa mga tapat na lingkod at alagad ng kaharian at pamayanan. Ako po ay nagpapakumbaba, ganoon rin sa mga Bounty Hunter na inyong inupahan. Ako po ay inyong patawarin. Sa mga naging anak, kapatid, katipan na iniirog, asawa, mga magulang na ama at ina, sa aking lolo at lola, sa mga naging tapat na kaibigan ako ay inyong patawarin sapagkat ipinagbayad ko kayo sa aking mga kasalanan. Sa aking mga kasabwat na aking lingkod at tauhan ay isinusuko ko na rin sa iyo, hinihiling ko na rin ang kanilang kapatawaran at kababaang-loob. Sa mga paggigipit na aking ginawa sa inyong mga sambayanan, kapamilya, lipi at kaibigan. Ganoon din sa mga naranasang paghihirap, pagtanggi, ipagtabuyan at kalapastanganan na aking nagawa sa inyong kapamilya at kaibigan. Ako ay inyong patawarin. Ganoon din sa aking mga kapamilya at kaibigan na pinutol at itinapon sa kulungan ng apoy ng inferno. Nawa ay inyong pagtiisan at dumalisay kayo ng sa tulad ng ginto. Ipinapanalangin ko po na sana'y sila ay makalaya sa kanilang kinasadlakan at mabuhay na mag-uli. Ako ay nagmamakaawa rin sa namumuno sa Kaharian ng Kamatayan na si Hades na sila ay inyong patawarin. 

Ako po si ______________ ( Banggitin ang buong mong pangalan. ) Ako po ay nagsisisi at nagpapakumbaba. Ipinangangako ko po, bilang kabayaran sa aking mga kasalanan nakahanda po ako gawin ang lahat upang ako ay inyong patawarin lalong lalo na sa mga kasalanan na aking nagawa sa inyong minamahal na anak at apo.... AMEN.


SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.... AMEN.

No comments:

Post a Comment

Featured Post

Answer Prayer from the Devotions, Messages, Diary and Illustration of Saint Maria Eugenia Elisabetta Ravasio

TO THE LINE TOPIC SUBJECT AND ATTENTION OF: Padre Alberto Tomassi c/o Suore Missionarie “Unitas in Christo ad Patrem” Via del Cinema 16...